Isa sa mga pinaka-abalang distrito ng Kalakhang Maynila ang Ortigas kung saan nakalugar ang mga opisina ng malalaking kumpanya. Sa libu-libong mga empleyado at negosyanteng buma-biyahe papunta rito ay tahimik na nakikisabay ang mga bike commuter.
Ito ang mga litrato ng mga bike commuter ng Ortigas: nakangiti, naghihintay, kumakaway, at pumapadyak kasama ang kanilang mga grupo; ang iilan na hindi nagdadala ng sasakyan, at patuloy na lumalaki ang bilang.
Kayo ang nagbibigay ng inspirasyon at nagpapaala na sa kabila ng lahat, Cycling Matters.
[Ortigas is one of Metro Manila’s busiest districts where some of the country’s biggest companies are located. Among the thousands of employees and businessmen who travel here are bike commuters who silently make their way to work along with everyone else.
Here’s to the Ortigas bike commuters: smiling, waiting, waving, and riding in groups; the few who bring one less car, and are continuously growing in numbers.
You inspire and remind us that despite everything, Cycling Matters.]
Nais mo bang mag-sumite ng iyong litrato ng buhay siklista? ‘Wag mag-atubiling ipadala ang iyong mga larawan sa [email protected] at maaaring maitampok ito sa aming website. Siguraduhing isama sa iyong mensahe ang caption ng mga litrato, pati na rin ang iyong pangalan.
Leave a Comment