Ang isang ‘alloy’ o ‘alloy’ o ‘haluang metal’ ay ang kumbinasyon ng dalawang metal o kaya isang metal at isa pang elemento na hindi metal. Madalas pinaghahalo ang dalawang elemento sa isang alloy para makabuo ng isang bakal na may magandang kumbinasyon ng mga katangian ng mga sangkap nito.
Sa bisikleta: alloy na aluminum
Kapag batalya ng bisikleta ang pinag-uusapan, madalas gamitin ang salitang ‘alloy’ para tukuyin ang aluminum alloy. Ang mga metal na pinagsasama para bumuo ng aluminum alloy ay aluminum, silicon, magnesium, at zinc. Dalawang alloy ng aluminum ang pinakakaraniwan: 6061 at 7005. Ang 6061 ay kadalasang masmagaan at masmahal, habang ang 7005 ay masmura dahil may kaunting dagdag na bigat.
Bakal asero
Ngunit hindi lang ang aluminum ang dapat tawaging alloy sapagkat ang asero o steel ay alloy din. Ang asero ay isang alloy ng pinaghalong carbon at iron at iba pang sangkap at dalawang uri nito ang magalas ginagamit sa bike: ang high-tensile steel, at ang mga chromoly steel. Ang high-tensile steel ay matibay ngunit mabigat at pinahalong iron at carbon habang ang chromoly steel at tinatawag na ganito kasi ito ay pinaghalong chromium at molybdenum (at iba pang sangkap).
Ang titanium ay alloy din
Lingid sa kaalaman ng marami, pati ang titanium ay hindi puwedeng gamitin sa pagbuo ng batalya ng walang kahalong sangkap na pang-alloy. Ang pinakakaraniwang alloy ng titanium na ginagamit sa pagbuo ng isang Ti Bike ay 3AL2.5V na pinaghalong titaniun, aluminum, at vanadium.
Ano ang hindi alloy?
Ang ibig sabihin nito ay ang aluminum, steel, at titanium ay mga alloy at hindi lang dapat gamitin ang salitang ito sa aluminum. Ang mga karaniwang bike na hindi alloy ay carbon fiber at bamboo.
Ikaw, alloy ba ang bike mo? Anong klaseng alloy?
Leave a Comment